2 pang Pinay, arestado sa crackdown operation sa Hong Kong

122

Dalawa pang Pinay ang nadakip sa Hong Kong dahil sa pagiging overstaying doon.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na crackdown operation ng Hong Kong authorities sa mga overstaying na foreign workers doon.

Pinakahuling nadakip ang 67-taon gulang at 49 na taon gulang na mga Pinay.


Sila ay kapwa 21 taong nang overstaying sa Hong Kong at nabigong magrenew ng kanilang working visa.

Nagpapatuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong naaaresto sa Hong Kong dahil sa kasong “breach of condition of stay” ng Immigration Department doon.

Karamihan sa mga nadakip ay nagtatrabaho sa mga bar sa Hong Kong.



Facebook Comments