MATATAG | NAPOCOR sinigurong in good condition ang San Roque Dam

Dagupan City – Layon ng pamunuan ng National Power Corporation na ma-normalize ang water level na 280 masl ng San Roque Dam. Sa ngayon mula sa limang gates na bukas nasa dalawa na lamang, ito ang gate 5 at 6 na naglalabas ng aabot sa 3.5 meters.

Ayon naman kay Ms. Odette Rivero ng NAPOCOR nasa magandang kondisyon ang kabuuan ng nasabing dam dahil narin sa mga safety measures na ipinapatupad nila at pamunuan mismo ng San Roque Dam na kumukuha pa ng 3rd party agency upang isagawa ang nasabing safety check tuwing ika-limang taon.

Siniguro naman ni Rivero ang mga mamamayan na kaya ng San Roque Dam ang volume ng tubig ulan at tubig na nagmumula pa sa ibang dam dahil kumpara noong 2009 mas kakaunti ngayong taon ang volume ng tubig na pumapasok dito.


Facebook Comments