MATATAGALAN PA | DICT, nagpasiyang iurong ang bidding sa papasok ng third player na telco sa bansa

Manila, Philippines – Iniurong sa buwan ng Mayo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang petsa ng proseso ng bidding para sa pagpasok ng bagong telco player sa bansa.

Ang desisyon ng DICT ay taliwas sa gusto ni President Duterte na may operational ng third player pagsapit ng Marso.

Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio Jr., gagahulin sa oras at hindi makakalahok ang ibang players kung ipipilit ang ang deadline ni Pangulong Duterte lalupat papasok na ang Holy Week.


Maliban sa mga Telcos mula China makikilahok din sa bidding ang Japan, Taiwan at South Korea.

Kabilang sa mga matunog na pribadong kumpanya na nagpahayag ng kahandaang makibahagi ay ang Now Corporation, Philippine Telegraph and Telephone Corporation, Converge ICT Solutions Incorporated at G. Telecoms.
Tinataya ng DICT na gagastos ng mula P150 billion hanggang P300 billion ang bagong telco sa unang limang taon ng operasyon nito.

Facebook Comments