MALISYOSONG ULAT NG MEDIA | DOT Secretary Wanda Teo, pinabulaanan ang pagbibitbit ng makeup artist sa kaniyang mga biyahe abroad

Manila, Philippines – Sa press briefing ni Tourism Secretary Wanda Teo sa Davao City, pinabulaan nito ang mga lumabas na balita kaugnay sa hindi umano ay pagbibitbit nito ng makeup artist, utility workers, clerk at iba pa sa mga naging biyahe nito abroad.

Ayon kay Teo, malisyoso ang mga ulat na ito ng media.

Hindi aniya siya nagbitbit ng makeup artist, at kahit sino mang miyembro ng kaniyang pamilya, kundi isang executive assistant lamang, at entitled aniya siyang gawin ito.


Nilinaw ng kalihim na bumabyahe lamang siya abroad, dahil sa kaniyang tungkulin, at upang alamin kung bakit hindi makasabay ang turismo ng Pilipinas sa ibang Asian countries.

Kung siya lang aniya ay ayaw na niyang bumyahe dahil marami na siyang bansang napuntahan.

Facebook Comments