Halos 100 porsyento nang tapos ang bagong Bohol Panglao Airport.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) nasa 95.16% nang kumpleto ang paliparan at tuloy ang nakatakda nitong inagurasyon sa susunod na buwan.
Ang tinaguriang “Green Gateway to the World” ay mayroong mga environment friendly features tulad ng solar panels sa Passenger Terminal Building nito at gagamit din ito ng natural ventilation.
Inaasahan namang matatapos ang Sewage Treatment Plant ng paliparan sa susunod na buwan.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na sa 2021 pa dapat ang nakatakdang completion ng Panglao airport pero masyado aniyang matagal ang 6 na taong konstruksyon ng paliparan kung kaya at iniutos nitong madaliin ang pagtatayo ditto.
Nagsimula ang construction noong June 2015.
Kapag natapos ang bagong Panglao airport inaasahang tataas ang turismo sa Bohol dahil kaya nitong mag accommodate nang hanggang sa 2 milyong pasahero kung saan doble sa kayang i-accommodate sa Tagbilaran airport.