Math wizards, nag-uwi ng anim na medalya mula sa International Math Olympiad sa UK

via DOST

Nag-uwi ng karangalan sa bansa ang anim na estudyanteng pinoy matapos sumabak sa International Math Olympiad sa United Kingdom nitong Hulyo.

“This is a huge victory for the country, knowing how difficult it is to get a medal in the IMO. But we are more awed by the fact that most of the participants are first-timers and still managed to seize this incredible achievement,” ani DOST Science Education Institute Director Josette Biyo.

Ang nasabing paligsahan ng ay itinuturing na pinakamahirap at pinakaprehisteryosong math competition sa buong mundo,


Sa patimpalak, magsusulit ang anim na estudyante bilang isang grupo sa loob ng dalawang araw. Ang bawat pagsusulit ay sasagutan sa loob ng apat at kalahating oras. Bibigyan sila ng tatlong math problem.

Kabilang sa anim na nag-uwi ng mga medalya ay sina Immanuel Josiah A. Balete ng St. Stephen’s High School, Vincent U. Dela Cruz ng Valenzuela City School of Mathematics and Science (bronze), Andres Rico M. Gonzales III ng De La Salle University Integrated School (bronze), Dion Stephan J. Ong ng Ateneo de Manila Senior High School (bronze), Bryce Ainsley A. Sanchez ng Grace Christian College (bronze) at Sean Anderson L. Ty ng Zamboanga Chong Hua High School (silver).

Ginanap ang 60th International Mathematical Olympiad nitong Hulyo 11-12 sa Bath, United Kingdom. Ito ang pangalawang beses na nag-uwi ang bansa ng medalya mula sa math contest. Ang unang beses ay noong 2017.

Facebook Comments