Matinding trapiko kasabay ng Closing Ceremony ng SEA Games, asahan na  

Asahan na nag matinding trapiko ngayong araw sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan bilang paghahanda sa Closing Ceremony ng 30th Southeast Asian Games.

Ang Closing Ceremony ay gaganapin sa New Clark Athletics Stadium sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Payo ni MMDA Spokesperson, Asec. Celine Pialago, iwasang gamitin ang yellow lane dahil gagamitin ito ng mga convoy ng mga delegado.


Pinaiiwas din ni Pialago ang mga motorista sa pagdaan sa mga flyover at tunnel o underpass sa EDSA.

Nasa 114 bus at iba pang sasakyan lulan ng SEA Games Delegate ang inaasaang bibiyahe mula sa iba’t-ibang hotel sa Metro Manila patungo sa venue.

Magpapatupad din ang MMDA ng Stop-and-Go Scheme at nasa 2,000 tauhan nila ang ipapakalat sa iba’t-ibang key areas sa Metro Manila.

Facebook Comments