Maute Group, bukas sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Marawi City

Manila, Philippines – Bukas ang Maute Group na magkaroon ng kapayapaan sa Marawi City.

Ito’y matapos samantalahin ng walong emisaryo ng Ranao Ulama Leaders Conference ang humanitarian pause noong linggo para makausap ang Maute ISIS group.

Kwento ni Agakhan Sharief, humarap sa kanila ang isa sa mga lider ng grupo na si Abdullah Maute.


Pero hindi nila nakita ang mga kapatid nito na sila Omar at Maddi Maute gayundin ang Abu Sayaff leader na si isnilon hapilon na unang napaulat na dalawang linggo nang nakatakas sa lungsod.

Nilinaw din ni Sharief na ang kanilang grupo rin ang nag-ungkat sa pagpapalaya sa mga bihag lalo na kay Fr. Chito Suganob.

Iginiit pa aniya ni Abdullah, kailangang mamagitan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) kung isusulong ng kapayapaan.

Nanawagan ang Maute Group na mabigyan sila ng pagkakataon na makaharap si Pangulong Rodrigo Duterte para ipaliwanag na bukod sa patuloy na opensiba ng militar ay mayroong pang ibang paraaan ang gobyerno upang makamit ang katahimikan sa lugar.

Facebook Comments