Hindi pipigilan ng Philippine National Police (PNP) ang kilos protesta ng mga taga- suporta ng mga natalong kandidato sa eleksyon.
Sa press conference dito sa Camp Crame, sinabi ni PNP Officer in Charge Police Lt. Gen Vicente Danao na karapatan ng mga tao na magpahayag ng kanilang damdamin at hindi nila ito pipigilan.
Kaya naman ipinag-utos niya na sa mga pulis na ipatupad ang maximum tolerance para hindi magkagulo.
Bahagi aniya nito ang paggalang sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Samantala, umapela naman si Danao sa mga magkikilos protesta na huwag magdulot ng abala sa trapiko at huwag manira ng public property.
Pwede naman kasi umanong magdaos ng mga aktibidad sa mga freedom park.
Pagigiit pa nya, handa ang PNP sa post-election violence at may contingency plan na sila para dito.