VP Leni Robredo, dadalo sa isang misa sa Naga at magsasagawa ng thanksgiving event sa May 13

280

Muling nagpahayag si Vice President Leni Robredo ng kaniyang pasasalamat sa lahat ng taong tumulong at sumuporta sa kanya simula nang mangampanya siya.

Ayon kay Robredo, nakikipag-usap na sila sa mga eksperto para maaral ang ulat ng umano’y mga iregularidad nitong 2022 elections.

Binanggit din niya na dadalo siya ngayong alas-5:30 ng misa sa Naga para magpasalamat sa kaniyang mga kababayan.


Sa Mayo 13 din aniya ay magtutungo siya sa Metro Manila para personal na pasalamatan sa mga volunteer.

Tiniyak din ni Robredo na ipananalangin niya na magkaroon ng panatag na kalooban at malinaw na bukas.

Facebook Comments