May-ari ng gumuhong Chuzon Supermaket, nagpasa ng dokumento sa CIDG Region 3

Photo Courtesy: Civil Defense PH/Facebook)

Nagsumite ng mga dokumento sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Region 3 ang may-ari ng gumuhong Chuzon Supermarket na si Samuel Chu.

Ayon kay CIDG-Region 3 Director Police Colonel Chris Abrahano, kabilang sa isinumite ni Chu ang building plan, floor plan, listahan ng mga empleyado at iba pang dokumento na gagamitin sa imbestigasyon.

Bagaman walang timeframe, sinabi ni Abrahano na sinisikap nilang matapos ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon.


Sabi ni Abrahano, inaalam na nila kung sumunod ba sa building code ang may-ari ng supermarket at kung kompleto ang mga permit nito nang itayo ang gusali noong 2014.

Nais rin aniya nilang matukoy kung bakit ginawang apat na palapag ang gusali gayung idinesenyo lang ito ng hanggang ikalawang palapag.

Facebook Comments