Retrieval operation sa gumuhong Chuzon Supermarket, posibleng simulan bukas

Photo Courtesy: Civil Defense PH/Facebook)

Wala na umanong nakikitang senyales ng buhay sa loob ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Ito ay dalawang araw matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon.

Ayon kay Pampanga Police Director Col. Jean Fajardo, naghanap ang mga rescuer ng “proof of life” sa pamamagitan ng mga K-9 unit at makina pero walang na-detect na ano mang senyales ng buhay sa gumuhong gusali.


Aniya, wala na ring naghahanap ng nawawalang kamag-anak.

Dahil wala na umanong proof of life sabi ni Fajardo, posibleng sa Biyernes ay simulan na ang retrieval operation.

Samantala, inihahanda na ang kasong Negligence Resulting in Multiple Homicide and Physical Injuries laban sa may-ari ng Chuzon Supermarket na si Samuel Chu.

Nabatid na mayroong siyam na branch ang Chuzon Supermarket sa Pampanga, Tarlac at Bataan.

Facebook Comments