Nakapagtala ang Lungsod ng Maynila ng sampung kaso ng Pertussis o whooping cough.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, sa nasabing bilang ay wala namang naiulat na nasawi dahil sa sakit.
Bilang hakbang ng lokal na pamahalaan, binigyan ng prophylaxis ang mga close contact ng mga nagpositibo sa Pertussis.
Patuloy naman ang paghikayat ng local government unit (LGU) sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak at wala ring tigil ang mga district surveillance nurses at health center staffs sa pagpapaalala sa mga residente kung ano ang dapat gawin kapag tinamaan nito.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala na sila ng mahigit isang libong kaso ng Pertussis sa buong bansa mula nang pumasok ang taon.
Facebook Comments