Mayor Alice Guo, may nilabag sa paghahain ng contradictory SALN noong 2022

Maituturing na paglabag sa obligasyon ng mga nagtatrabaho sa gobyerno ang paghahain ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng magkaibang statement of assets, liabilities and networth (SALN) noong 2022.

Pinuna ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations Chairperson Risa Hontiveros ang isang araw na pagitan na paghahain ni Guo ng dalawang nagbabanggaang SALN na magkaiba ang nilalaman.

Sa pagkukumpara ni Hontiveros, isang araw lamang ang pagitan nang maghain si Guo ng kanyang SALN noong 2022 ay tinanggal ang pito sa real assets o land properties.


Bukod dito, sa pangalawang isinumiteng 2022 SALN ay inalis din ng alkalde ang mga business interest nito na kaduda-duda para sa senadora.

Samantala, sa ilalim ng 2023 SALN ni Guo ay lumalabas na nasa mahigit P177 ang networth nito, mahigit P367 million ang assets at mahigit P189 million ang liabilities.

Kasama sa 2023 SALN ng kontrobersyal na mayora ang siyam na land properties, tatlong dump trucks, stocks sa mga negosyo, mga alahas, gayundin ang helicopter na noong pagdinig ay sinabi ni Guo na naibenta na niya.

Facebook Comments