Mayor Diaz: Nagkulang sa Pagsusuri ang Regional Epidemiology Surveillance Unit sa kaso ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nagkulang umano sa pagsusuri ang Regional Epidemiology Surveillance Unit sa kanilang inilabas na datos hinggil sa kaso ng COVID-19 sa City of Ilagan.

Una rito, nagbaba ng datos ang health authorities na sinasabing nakapagtala nitong nakalipas na araw ng 194 na bagong kaso ang siyudad at pumalo sa 460 ang active cases na mariing hindi sinang-ayunan ni Mayor Josemarie Diaz.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Mayor Diaz na batay sa datos pasado alas-otso (8:00) ng gabi ng April 18 ay nasa 194 ang actual COVID-19 cases kung saan 165 ang may CV codes habang 29 ang kasalukuyan pang hinihintay na magkaroon ng CV codes mula sa DOH.


Masaya naman na ibinahagi ng opisyal na naitala ang 35 recovered sa sakit ngayong araw kung saan umabot na sa 231 (April 14-19,2021) ang nakarekober na sa sakit.

Dahil dito, gustong linawin ni Diaz ang mga naunang datos na na isinapubliko ng DOH at tila walang ginagawang effort ang LGU kung ganito pa rin ang malaking bilang.

Samantala, bumaba na sa loob ng 2-weeks growth rate o 144% ang kaso ng COVID-19 at ikategorya na sa ‘medium risk’ habang ang Average Daily Attack rate ay 22%.

Ikinatuwa rin ni Diaz na kahit papaano ay bumaba na mula 1:12 hanggang 1:8 ang positivity rate, ibig sabihin ang isang pasyenteng positibo sa sakit ay posibleng makapanghawa na lang umano ng walong (8) katao.

Sa huli, ipinaalala ni Diaz sa mga tao na naglalabas ng mga datos na hindi na ‘narereconcile’ ay mangyaring itama at suriing mabuti ang datos bago isapubliko dahil nagdudulot umano ito ng matinding pangamba sa mga mamamayan.

Facebook Comments