Plano ni Aksyon Demokratiko standard-bearer Mayor Isko Moreno na dagdagan pa ang mga pangunahing pangangailangan ng gobyerno ng Bangsamoro.
Ilan sa mga ito ay ang pabahay, karagdagang hospital at pagtatayo ng mga paaralan.
Ito’y bilang suporta sa Bangsamoro government upang magtuloy-tuloy ang kanilang pag-unlad at pangmatagalan na kapayapaan.
Hangad din ng alkalde na maipagpatuloy ang mga nasimulang programa sa Bangsamoro at maipatupad rin ang iba pang proyekto na pansamantalang nahinto.
Maging ang mga umiiral na usapan sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) at Bangsamoro Organic Law (BOL) ay susuportahan ni Mayor Isko sakaling maupo bilang lider ng bansa.
Bukod dito, nais rin ng alkalde na magkaroon pa ng mas maraming trabaho ang mga residente ng Bangsamoro.
Sinabi ni Mayor Isko na kung papalarin, kaniyang ilalatag ang mga economic policy para matugunan ang problema sa kahirapan, kagutuman, kabuhayan, hindi pagkakapantay-pantay at kawalan ng katarungan.