Sikat na sportscaster na nagkokober ng madalas kay Senador Manny Pacquiao, nasa Lacson-Sotto tandem na ang suporta

Nagulat ang ilang mga mamamahayag na nagkokober kay Partido Reporma presidential candidate Senador Panfilo Lacson at Nationalist People’s Coalition vice presidential candidate Senador Vicente “Tito” Sotto III nang makita ang sikat na sportscaster na si Chino Trinidad sa isinagawang press conference ng dalawang senador sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Sa una ang inakala ng ibang mga reporter na maaaring nagkokober din si Trinidad subalit may pagtataka ang ilan dahil sports ang beat ng sikat na TV reporter.

Laking gulat ng lahat ng makita na nagho-host na si Chino Trinidad sa gilid ng stage sa isinagawang dayalogo nila Lacson at Sotto sa harap ng mga lokal na magsasaka ng Nueva Ejica sa bayan ng Sta. Rosa.


Kilala si Trinidad na todo suporta sa laban ni Pambansang Kamao at presidential candidate Manny Pacquiao simula ng maging kampeon sa larangan ng boxing.

Si Trinidad din ang madalas na nagkokober sa laban ni Pacquiao sa mga laban ng kampeon sa ibang bansa.

Tanong ng ilan tuloy sa paglutang ni Trinidad sa event ni Lacson ay pagpapakita na ba ito ng kanyang suporta sa Lacson-Sotto tandem bilang kanyang pangulo at pangalawang pangulo ngayong darating na halalan?

Facebook Comments