Naga City – SA PAGDIRIWANG NG RMN 65th ANNIVERSARY, isang Public Service Caravan sa Brgy. Mabolo, Naga City ang inorganisa ng DWNX kasama ang mga frontline government service providers sa Naga City at Camarines Sur.
Makulay, Makabuluhan at Masaya, bagamat simple, ang pangkalahatang description ng aktibidad na idinaos kahapon sa covered court ng Brgy. Mabolo, Naga City kaugnay ng RMN@65 DWNX Public Service Caravan sa pangunguna ng DWNX, City Government of Naga, Barangay Government of Mabolo at 4 na iba pang pangunahing frontline service providers ng gobyerno. Ang programa ay pinamahalaan nina Kasamang Mike Marfega at Kasamang Grace Inocentes ng DWNX Mike&Grace@Ur Service bilang mga tagapagpadaloy.
Layon ng DWNX Public Service Caravan na dalhin at ilapit sa ordinaryong mamamayan ang mga pangunahing front line service providers ng pamahalaan tulad ng Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Mutual Development Fund (PAG-IBIG), at Naga City Veterinary Office. Tampok din ang BLOODLETTING activity sa pakikipagtulungan ng Bicol Medical Center.
Mahigit 300 na mga residente – Lola, Lolo, Tatay, Nanay kasama ang mga anak, Kuya at Ate – ang pumunta, komunsulta, nakisaya at nanalo ng iba’t-ibang papremyo!
*“Sir Al, salamat po sa public service caravan nindo po,, very accommodating mga personnel nindo sir,, We availed the NSO (PSA) services,, Happy 65th anniv po ulit sa station nindo and congratulations for continuous public service. Two thumbs up for your radio station 65th anniv”* post pa ni Mam Tess Santos sa FB. Si Mam Tess ay isa lamang sa mga masusugid na tagapakinig ng DWNX at taga Barangay Pacol sa upper part ng Naga City pero nagsikap na pumunta para makapag-avail ng serbisyo ng PSA sa pamamagitan ng nasabing Public Service Caravan.
NAKIISA at pumunta rin para magpa-abot ng kanyang mainit na pagbati at suporta si Mayor John Bongat. *“Naogma po ako ta naimbitaran asin maging parte kan selebrasyon kan RMN DWNX. Aram man baga nindo, full support ang City Government of Naga para sa karahayan kan kagabsan…”* (Masaya po ako dahil naanyayahan at maging bahagi ng pagdiriwang na ito ng RMN DWNX). Alam naman po ninyo, full support ang City Government of Naga para sa kabutihan ng lahat), bahagi pa ng kanyang mensahe sa publiko at nang kapanayamin ni Kasamang Manny Basa sa programang DOBLE PASADA.
Dagdag excitement din sa nasabing selebrasyon ang mga pakulo at papremyong pinamahagi ng DWNX na kinabibilangan ng mga grocery packs, radio sets, tumblers, at dwnx-inspired wall clocks. Ang mga papremyo ay hatid ng DWNX at mga Partner Donors – maraming salamat po sa – Goto Best/Mr. Emmanuel Zamora, Atlantic Bakery/Mr. Franklin Poon, Cabral Bicolandia Supermart/Mr. Raul Cabral, BODEGA/Mr. Joseph Cabral, Brence-P Catering / PB Marison Peñaflor, at RUSCH TRADING/Kagawad Gene and Mam Nora Ribay.
Samantala, umabot naman sa 20 ang nanalo ng instant 650 pesos mula sa RMN para sa mga listeners sa iba’t-ibang mga barangay ng Naga City. Ang mga lucky winners ay silang “nahuling” nakikinig sa DWNX sa maghapong pag-iikot nina Kasamang Paul Santos at Kasamang Ed Espiritu. Tatlo sa mga winners ay nanalo sa pamamagitan ng ON-AIR-PHONE IN promo nina Kasamang Jun Orillosa sa programang Bicol Express at Kasamang Ed Ventura sa Doble Pasada.
Ang RMN@65 DWNX Public Service Caravan ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Naga City Government, Barangay Government of Mabolo sa pangunguna ni PB Magno Reyes and Council at 5 government agencies at sa suporta ng mga donors.
Maraming salamat po sa inyong lahat! Ito ang taus-pusong mensahe na ipinapaabot ng lahat ng inyong MGA KASAMA sa RMN DWNX Naga sa pangunguna ni Station Manager Kasamang Al Ubaña.
Mayor John Bongat Nakiisa sa RMN@65 DWNX Public Service Caravan!
Facebook Comments