Cauayan City, Isabela- Ikinadismaya man ng alkalde ng Benito Soliven ang pagkakahuli sa kanyang ilang mga kababayan dahil sa iligal na sugal subalit iginiit nito na karapat-dapat na patawan ng parusa ang ginawang paglabag sa batas ng mga ito.
Ayon kay Mayor Roberto Lungan, dapat lang na parusahan ang mga residente na lumalabag sa batas sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng batas kontra sa iligal na sugal.
Dagdag niya, paulit-ulit ang ginagawang paalala ng Lokal na Pamahalaan sa lahat ng mamamayan upang hindi masangkot at makaiwas sa tukso ng sugal.
Samantala, ikinatuwa naman nito ang pagkakaroon ng evacuation center sa parte ng Brgy. Yeban Norte na siyang magagamit ng mga tao sakaling lumala ang sitwasyon ng Bagyong Ambo.
Maliban dito, muli namang pinaalalahanan ng alkalde ang publiko na sundin ang panuntunan sa umiiral na Genera Community Quarantine laban sa COVID-19.