Cauayan City, Isabela- Nagbabala si Mayor Joel Alejandro ng bayan ng Alicia sa publiko hinggil sa ginagawang hindi pagsunod sa mga ipinapatupad na polisiya laban sa COVID-19.
Ito ang mensahe ng alkalde sa harap ng pagdiriwang ng ika-71 araw ng Alicia ngayong araw.
Ayon kay Alejandro, bagama’t mahigpit ang pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit ay kanyang iginiit ang paglalagay ng ‘ngipin’ o bagsik para papanagutin ang mga makikitang lalabag sa nasabing polisiya.
Asahan na sa mga susunod na araw ang pag-iimplementa ng ordinansa para sa mas istriktong pagpapatupad nito.
Samantala, kinilala ang iba’t ibang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Alicia maging mga frontliner bilang ambag nila sa mas progresibong implementasyon ng mga batas laban sa pandemya.
Nagpasalamat naman ang opisyal sa lahat ng frontliners na patuloy na humaharap sa banta ng nakamamamtay na sakit.