Mayor sa Peru, nagpanggap na patay nang hulihin ng mga pulis dahil sa paglabag sa lockdown rules

(Policía Nacional del Perú)

Bistado ang akalde mula sa isang bayan sa Peru nang magpanggap itong patay at nakahiga sa kabaong habang may suot pang face mask nang dakipin ng awtoridad.

Sa report na inilabas ng news agency Standard UK, hinuhuli noon ng mga pulis si Mayor Jaime Rolando Urbina Torres dahil sa paglabag nito sa ipinatutupad na lockdown rules.

Nang tumambad sa kanila ang pangyayari, tila nakainom pa raw ang alkalde.


Ito ay matapos ang akusasyon sa naturang pinuno sa hindi pagsunod sa ipinatupad na alituntunin sa gitna ng quarantine bilang mayor ng Tantara, Peru.

Samu’t saring puna ang natanggap nito sa mga residente mula nang alisan umano nito ang pinamumunuang bayan habang humaharaop sa krisis.

Inireklamo rin daw ng kanyang mga kababayan ang pagiging pabaya nito sa kabila ng ipinatutupad niyang safety measures sa lugar.

Samantala, naitala naman ng Johns Hopkins University na mahigit 200,000 katao na ang nagpositibo sa coronvirus sa Peru at 3,000 dito ang nasawi.

Facebook Comments