Mayor Soriano ng Tuguegarao City, Kabilang sa Nagpositibo sa Aggressive Mass Testing

Cauayan City, Isabela- Isa si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano mula sa 17 katao na nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa Aggressive Community Testing kahapon, Enero 22.

Batay sa datos ng City Health Office, umakyat na sa 279 ang aktibong kaso sa lungsod habang 131 ang nakasailalim sa home quarantine na pawang mga positibo rin sa naturang virus.

Samantala, naitala naman ang 18 panibagong kaso na pawang mga empleyado ng DSWD Solana partikular ang Haven for Women and Children.


Sumailalim ang mga ito sa Aggressive Mass Testing matapos ang target na bilang na 250 frontliners at mga close contacts ng unang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office ng Cagayan, pangatlo na ang bayan ng Solana sa may mataas na bilang ng aktibong kaso na pumalo sa 137

Sa kabuuan, nasa 394 ang active cases ng Cagayan at 1,463 ang naitalang nakarekober mula sa sakit.

Facebook Comments