Nakaranas ng psychological stress ang mayorya ng healthcare workers sa bansa habang nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.
Ito ang lumabas sa isang pag-aaral noong 2020 na 70.74% ng mga healthcare worker sa Pilipinas ang nakaranas ng sintomas ng pagkabalisa habang 50.97% ang nakapagtala ng sintomas ng depresyon.
Ayon kay UP Department of Psychiatry and Behavioral Medicine Chairman Dr. Evangeline dela Fuente, bunsod ito ng takot ng mga ito na mahawahan ng COVID-19 at ang posibilidad na makahawa ng iba lalo na ang kanilang mahal sa buhay.
Dagdag pa nito, nakaapekto rin ang walang kasiguraduhan na sususportahan ng pamahalaan at ang pagkadismaya sa health information.
Dahil dito ay hinimok ni Dr. dela Fuente ang publiko maging ang healthcare worker na palakasin ang pisikal na kalusugan sa pamamagitan ng sapat na tulog, pisikal at mental na ehersisyo.
Makakatulong din aniya ang pagiging vocal ng isang indibidwal sa pagbabahagi ng kaniyang saloobin at damdamin.