Mayorya ng mga Pilipino, pabor na dapat i-renew ng kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN

Mayorya ng mga Pilipino ang nagsabing dapat i-renew ng kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) mula noong July 3 hanggang July 6, 3 sa bawat 4 na pilipino ang nagsabing dapat i-renew ng kongreso ang prangkisa.

75 percent naman ng mga adult filipino ang sumasang-ayon na dapat na mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN; 13% ang hindi; habang 10% ang undecided.


Lumabas din sa survey na 56% ng mga Pilipino ang sumasang-ayon sa posibilidad ng malaking dagok o epekto, sa malayang pamamahayag ang hindi pag-renew ng kongreso sa prangkisa ng network.

27% naman ang nagsabi ng hindi ito makaka-apekto habang 15% ang undecided.

Naitala naman mula sa Mindanao ang 80 porsyento na labis na sumusuporta sa renewal ng prangkisa ng network.

Sinundan ito ng Visayas na mayroong 77%; Luzon na 74%; at Metro Manila na may 69%.

Facebook Comments