Mayorya ng mga Pilipinong Katoliko, naniniwalang nasa eukaristiya ang presensiya ng katawan at dugo ni Kristo

Mayorya ng mga Pilipinong Katoliko ang naniniwalang tunay na nasa eukaristiya ang katawan at dugo ni Kristo.

Ito ang lumabas sa isang survey kung saan 97 percent ang nagsabing hindi lamang simbolo ang ostiya na itinataas tuwing nagkakaroon ng misa.

Ayon kay Rev. Fr. Anton Pascual, patunay lamang ito na isinasabuhay ng mga katoliko ang katuruan ng simbahan at ang pananampalataya sa Eukaristiya.


Batay sa Cathecism of the Catholic Church (CCC), itinuturo sa mga Katoliko na nagiging katawan at dugo mismo ni Kristo ang ostya at ang alak na itinataas ng pari sa misa.

Samantala, isinagawa ang nasabing survey noong Abril 25 hanggang Mayo 25 sa 1,200 na respondents sa buong bansa.

Facebook Comments