Manila, Philippines – Anim sa bawat sampung Pilipino ang pabor sa muling pagbuhay ng death penalty para sa mga heinous crime na may kinalaman sa iligal na droga.
Ito lumabas sa latest survey ng Social Weather Stations na isinagawa noong March 25 hanggang 28 kung saan 61 percent ng mga Pinoy ang nagsabing payag sila sa parusang kamatayan laban sa 23 percent na tutol habang 16 percent sa mga respondents ang undecided.
Pinakamataas ang suporta sa pagbuhay ng death penalty sa Metro Manila, na may positive 58; sunod ang Luzon, na may positive 39; Mindanao, positive 35 at positive 25 sa Visayas.
Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents sa bansa.
DZXL558
Facebook Comments