MDRRMO AT BFP GAMU, NANANATILING NAKAALERTO

Patuloy ang isinasagawang koordinasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRMO) ng bayan ng Gamu ukol sa lagay ng bayan kaugnay ng Super Typhoon Karding.

Pinapangunahan ni SFO4 Wesley Austriaco II, MFPO-Gamu, ang “Oplan Paghalasa” kung saan isinasagawa ang monitoring sa mga barangay na madaling malubog sa baha at maging sa pagguho ng lupa.

Ang Gamu ay kabilang sa mga bayan ng lalawigan ng Isabela na nasa Storm Signal No. 1 kaya’t patuloy na binabantayan ang lebel ng tubig sa Gamu Bridge.

Nagpapaalala ang ahensya sa mga mamamayan na laging maging alerto at handa lalo sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments