WATER SEARCH AND RESCUE TEAM NG PDRRMC ISABELA, PATULOY NA NAKADEPLOY

25
Nagpapatuloy ang kahandaan ng anim (6) na Water Search and Rescue Team ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Center (PDRRMC) ng lalawigan ng Isabela.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Constante Foronda, Provincial Director ng PDRRMC Isabela, nagsimulang i-deploy ang WASAR Teams nitong Linggo, ika-25 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ayon kay Atty. Foronda, ang WASAR Teams ay binubuo ng mga rescue personnel gamit ang mga equipments gaya ng rubber boats at portable boats.

Patuloy na nagpapaalala ang ahensya sa mga mamamayan na mag-ingat at maging alerto sa lahat ng panahon at manatiling maging updated sa kasalukuyang lagay ng panahon.

Facebook Comments