Pinalakas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Manaoag ang kakayahan nito sa pagtugon sa mga insidente ng sunog matapos sumailalim sa masinsinang pagsasanay ang mga responder ng bayan.
Isinagawa ang training bilang paghahanda sa pagdating ng bagong fire truck ng MDRRMO na inaasahang magsisilbing karagdagang suporta sa operasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Manaoag.
Layunin ng aktibidad na matiyak ang kahandaan ng mga responder sa wastong paggamit ng kagamitang pangsunog at sa mabilis na pagresponde sa mga emergency.
Ginanap ang pagsasanay sa Regional Evacuation Center, kung saan isinagawa ang mga aktwal na demonstrasyon at drills kaugnay ng fire response at incident management.
Kaugnay nito, naipagkaloob sa MDRRMO ang isang penetrator fire truck na angkop gamitin sa mga lugar na may makikitid na kalsada, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng bayan sa disaster at emergency response.









