Measles outbreak, pinalawak pa ng DOH

Manila, Philippines – Mas pinalawak pa ng Department of Health (DOH) ang pagdeklara ng Measles outbreak hindi lamang sa NCR bagkus maging sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Western at Eastern Visayas.

Sa datos ng DOH Epidemiology Bureau, mula Enero 1 hanggang Enero 19 ngayong taon ay mayroon ng 196 na kaso ng tigdas kumpara sa 20 na naitala sa katulad na petsa noong 2018.

Noong 2018, mayroong 3, 646 kaso ng tigdas kumpara noong 2017 na 351.


Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, idineklara ang outbreak ng tigdas dahil sa patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan nito hindi lamang sa Metro Manila maging sa iba’t ibang Lalawigan.

Layon aniya ng pagpapalawak ng DOH ay upang mamonitor ang mga kaso, maalerto ang mga magulang at mga health giver upang maging mapagmatyag.

Facebook Comments