Manila, Philippines – Umapela si Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago sa media na tumulong sa information campaign ng Gobyerno laban sa paglaganap ng iligal na droga sa bansa.
Sa briefing ni Santiago sa Malacañang ay sinabi nito na kailangang palakasin ng pamahalaan sa tulong ng media ang pagpapalaganap sa publiko ng mga impormasyon hinggil sa masamang epekto ng iligal na droga sa kalusugan ng tao at sa kinabukasan ng kabataan.
Imbes aniya ito na pagtuunan ng pansin o ang ibalita lamang ay ang mga nangyayaring patayan sa harap narin ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Matatandaan na sinabi ni Santiago na kailangang palakasin din ang prevention campaign ng pamahalaan upang mailayo sa impluwensiya ng iligal na droga ang mamamayan.
Mas matipid aniya ito kaysa sa ginagawang anti-illegal drugs operations na ginagawa ngayon ng PNP sa tulong na rin ng marami pang ahensiya ng pamahalaan.