Medical frontliners sa Bicol, nagpapasaklolo na sa DOH sa harap ng punuan na mga ospital doon

Nagpapasaklolo na sa Department of Health (DOH) ang medical frontliners sa Bicol region partikular sa Catanduanes.

Sa harap ito ng pagkapuno ngayon ng COVID-19 patients ng halos lahat ng ospital sa lalawigan.

Ayon sa medical frontliners mula sa district hospitals at private hospitals sa Catanduanes, idinulog na nila sa Local Inter-Agency Task Force (IATF) ang nagko-collapse nang health system ng Catanduanes subalit wala anilang naging aksyon ang local IATF.


Ilan ding frontliners sa nasabing lalawigan ang nagpopositibo na sa Coronavirus sa harap ng paglobo ng kaso ng infection sa lalawigan.

Mula October 3 ng taong ito ay nasa high risk level na ang Catanduanes.

Facebook Comments