Mahigit 7,000 kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

39

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,181 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Sa ngayon, umabot na sa 2,690,455 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 82,411 ang active cases.


Nadagdagan ng 6,889 ang mga gumaling kaya umakyat na ito sa 2,567, 975 recoveries.

Nasa 173 naman ang panibagong nasawi kaya umabot na sa 40,069 ang COVID-19 related deaths.

Batay sa DOH, mayroong 2 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Facebook Comments