Medical furlough ni De Lima, hindi na kinontra ng DOJ prosecutors

Hindi na haharangin ng prosecution ang hirit na medical furlough ni Senadora Leila de Lima.

Kinumpirma ito ni Prosecutor General Benedicto Malcontento matapos ang mosyon ng kampo ng senadora na humihiling na ma-confine siya sa ospital para sa operasyon sa kanyang uterus.

Gayunman, sinabi ni Malcontento na kailangang magsumite ng report sa korte ang kampo ni De Lima kung anong medical procedures ang gagawin sa kanya.


Una nang naghain sa korte sa Muntinlupa ang mga abogado ni De Lima para sa gagawing “major procedure” sa Manila Doctor’s Hospital.

Sabi ni Atty. Filibon Tacardon, hiniling nila na makalabas ng kulungan ang kanyang kliyente mula June 19 hanggang 25.

Pumayag na ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 sa hirit ng kampo ng senadora at hinihintay na lang ang desisyon ng Branch 256.

Facebook Comments