WANTED PERSON NA MATAGAL NANG NAGTATAGO, TIMBOG SA CAUAYAN CITY

16
Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa kulungan ang isang tsuper na wanted sa batas matapos itong madakip sa Purok 6, Brgy. Minante Uno, Cauayan City.

Matapos ang ilang taong pagtatago, matagumpay na naaresto ng magkatuwang na mga tauhan ng PNP Cauayan City, Regional at Provincial Intelligence Unit at CIDG Isabel ang akusado na kinilalang si Dante Barbieto, limamput apat na taong gulang, may asawa, driver at residente ng Brgy. Minante Uno.

Si Barbieto ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Double Homicide.

Nagkakahalaga naman sa P100,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Dinala sa lock-up cell ng PNP Cauayan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments