Nagsagawa ng Medical Mission at Legal Outreach program ang Provincial Government ng Maguindanao sa House of Correction .
Layun ng aktibidad ay para masuri ang kalusugan ng nasa 270 na mga inmates bukod pa para maalalayan ang mga bilanggo sa takbo ng kani- kanilang mga kaso ayon pa kay Warden Atty. Bobby Katambak sa panayam ng DXMY.
Sinasabing ito ang kauna- unahang pagkakataon na mismong ang grupo ng mga abogado mula sa IBP Cotabato City Chapter ang bumaba sa House of Correction ng Maguindanao para mabigyan ng katugunan ang tila usad pagong na takbo ng mga kaso ng mga inmates.
Napakalaking tulong aniya ito para mapabilis ang magiging hatol para maconvict ang mga nagkasala sa batas o mapalaya ang mga inosente giit pa ni Warden Katambak.
Kaugnay nito masayang ipinaparating sa mga mahal sa buhay ng mga inmates na inaasahang ilang mga bilanggo ang makakalabas sa mga susunod na mga araw dahil na rin sa gagawing Speedy Trial lalo na sa mga higit sampung taon ng nakadetain.
Pinasasalamatan rin ni Warden Katambak ang mga tumulong sa nasabing inisyatiba na kinabibilangan ng Philippine Shariah Lawyers Inc. Bantugan Masonic Lodge No. 223, NDU Alumni Association , NDU CED Batch 95 at 96, 1203 rd CDC, at peoples Mical Team.