Pinag-uusapan na sa China ang pagpapadala rito sa Pilipinas ng mga Chinese Doctor na siyang tutulong at magbabahagi ng kanilang expertise para sa pagtugon sa COVID-19.
Sa katunayan, sinabi ni Ambassador of the Philippines to China Jose Santiago Sta Romana na isang medical team sa China ang inihahanda na para maipadala rito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.
May pakikipag-usap na aniya roon si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin at pina plantsa na ang hakbang na ito.
Layunin nitong maibahagi ng China ang kanilang estratehiya kaya wala na halos naitatalang COVID positive case doon at mas marami na ang bilang ng mga gumagaling na pasyente.
Facebook Comments