Medium term action plan para sa Boracay rehab, inaprubahan ni PRRD

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga susunod na hakbang na gagawin ng pamahalaan para mapaganda pa ang Boracay Island matapos itong ipasara ng anim na buwan noong nakaraang taon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salavador Panelo, sa naganap na ika-39 na cabinet meeting kagabi sa Malacañang ay inaprubahan ng Pangulo ang medium-term action plan kung saan nakapaloob ang mahigpit na pagpapatupad ng mga nakasaad na  batas pati na ang pagpapatupad ng mga regulasyon sa mga bibisita o mga turista sa Boracay.

Sinabi ni Panelo na napagkasunduan na kailangang kaigtingin ang solid at liquid waste management pati na ang pagsasaayos ng ecosystem sa isla.


Sinabi din ni Panelo na kasama sa plano ang pagpapaganda ng mga kalsada, pagtatayo ng permanent housing at iba pang pasilidad tulad ng paaralan at mga ospital.

Facebook Comments