Magsasagawa ang Public Employment Service Office (PESO) ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ng kauna-unahang mega job fair ngayong araw katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.
Kasabay ito ng selebrasyon sa ika-25 Cityhood Anniversary ng Parañaque.
Dahil dito, hinihimok ang mga job seeker na maghanda ng maraming resume at magsadya mamayang alas-10:00 ng umaga sa Ayala Malls Manila Bay sa Barangay Tambo.
Kabilang sa mga bakanteng trabaho na maaaring applyan ay delivery rider, merchandiser, helper, cashier, kitchen staff, waiter, carpenter, laborer, electrician, service crew, team leader, area manager at marami pang iba.
Samantala, mamaya rin magsisimula ang dalawang araw na Face-to-face Job Fair Trabaho for Every Juan ng JobQuest.PH katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.
Gaganapin ito sa Trinoma Activity Center sa Quezon City kung saan mahigit 30 kompanya ang inimbitahan at may alok na higit 1,000 bakanteng trabaho.
Bukod sa Face-to-face job fair, mayroon ding online job fair na magsisimula ng February 8 hanggang 11.
Kaya’t sa mga naghahanap ng trabaho o nais magpalit ng carrer, ano pa ang hinihintay ninyo, apply na at ma-hire on the spot sa mga ikakasang job fair.