Mega Job Fair ng San Jose, Del Monte, Bulacan PESO, umarangkada na

Umarangkada na ang Mega Job Fair ng San Jose Del Monte Bulacan PESO ngayong araw.

Ito’y bilang pasasalamat ni Mayor Arthur Robes sa kaniyang kaarawan ngayong araw na mabigyan ng trabaho ang kaniyang mga nasasakupan.

Nasa 33 na lokal, pito na national agencies at anim overseas employers ang lumahok sa naturang mega job fair kung saan aabot sa magigit 3,000 job vacancies ang alok sa mga walang trabaho.


Ayon kay PESO Manager Perfecto Tagalog, bilang handog sa kaarawan ni Mayor Robes, bukas ang Mega Job Fair sa mga lahat ng mga naghahanap ng trabaho lalo na sa mga gustong palitan ang kanilang karera.

Sa ngayon ay nasa sampu na ang na-hire on the spot.

Kabilang sa mga kompanya na pwedeng pasahan ng kanilang resume ay ang SM Supermarket, Ace Hardware, Megawide, Human Link at marami pang iba.

Habang sa Overseas naman ay ang Crossworld, Hard Earned Opportunities Inc., Abandant Life International Manpower at marami pang iba.

Facebook Comments