Megastar Sharon Cuneta, ‘nabaldado’ at nagkasakit daw matapos ang concert sa US 

322

hindi raw makatayo si Megastar Sharon Cuneta matapos ang concert nila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Estados Unidos.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres na ilang araw na raw siyang hindi makaalis sa kaniyang kama dahil sa kaniyang mabigat na karamdaman.

Dahil dito, nauna na raw sa kaniya si Regine na umuwi dito sa pilipinas at hindi na sila nagkaroon ng bonding moments kagaya ng paglilibot pa sa USA.


Wala namang ibinigay na detalye ang Megastar kaugnay sa kanyang kondisyon.

Nag-umpisa noong July 9 ang “Iconic” US tour ni Sharon at Regine na sinimulan sa California at nagtapos sa Seattle nitong July 24.

Facebook Comments