Melai Cantiveros – nanganak na

Manila, Philippines – Nanganak na kahapon ang comedian-actress/ host na si Melai Cantiveros para sa kanilang ikalawang baby girl ni Jason Francisco.

Hindi nga mapagsidlan ng tuwa si Melai nang ipakita sa social media ang larawan niya habang buhat ang kanilang baby.

Sa ngayon, hindi pa nila pormal na ina-anunsyo ang pangalan ng kanilang second baby pero matatandaang sa isang morning show ay tinawag ito ni Jayson bilang si “Baby Future”.


Nagkakilala sina Melai at Jason sa reality TV show na Pinoy Big Brother noong 2009 at ikinasal noong 2013.

Bago ianunsyo ang pagbubuntis noong Setyembre, ilang beses ding naging kontrobersyal ang hiwalayan ng mag-asawa.

Facebook Comments