Memorandums of Understanding, pinirmahan ng 43 LGUs suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program

Nakapagpirma na nang Memorandum of Understandings (MOU) ang 43 mga local government units (LGUs) na suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Avelino Tolentino III na ang 43 mga LGUs na pumirma sa MOU ay nag-commit na maghahanap nang bakanteng lupain sa kanilang nasasakupan para pagtayuan ng programang pabahay ng gobyerno.

Pero sinabi ni Tolentino na bago pa ang pagpirma ng 43 LGUs, may 12 groundbreaking project na ang kanilang nailunsad sa iba’t ibang panig ng bansa karamihan ay sa mga malalaking siyudad.


Kamakailan lan,g ayon kay Tolentino ay dumalo mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa groundbreaking ceremony sa Palayan City sa Nueva Ecija at ito ay bahagi nang Pambansang Pabahay Program para sa Pilipino na may lawak na 11 ektarya.

Inaasahang makakapagtayo dito nang 4,000 housing units.

Una nang inanunsyo ng Malacañang na target ng Marcos Administration na makapagtayo nang isang milyong bahay kada taon at anim na milyong kabahayan sa termino ng Marcos Administration.

Facebook Comments