Menor de Edad, Huli sa Pangangarnap!

*Echague, Isabela- *Arestado ang isang binatilyo matapos masangkot sa pangangarnap ng motorsiklo sa Brgy San Manuel, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, pasado alas nueve kaninang umaga nang maaresto ang 16 anyos na suspek, isang out of school youth, at taga Brgy. Villa Rey, Echague, Isabela habang ang biktima ay si Elorde B Emmo na isang LGU Echague Forest Ranger.

Bandang 8:30 ng umaga, personal na nagtungo ang biktima sa PNP Echague kaugnay sa nawawala nitong motorsiklo na ninakaw noong Marso 26, 2019 sa San Guillermo, Isabela at ayon sa biktima ay nakita nito ang motorsiklo sa bahagi ng Echague, Isabela.


Kinumpirma naman ng PNP Echague ang sumbong ng biktima katuwang ang mga barangay officials na nagresulta sa pagkakaaresto ng binatilyo.

Narekober mula sa suspek ang pulang Rusi na motorsiklo ng biktima habang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Nakipag-ugnayan na ang PNP Echague sa San Guilliermo Police Station para sa turn-over ng nasabing kaso.

Facebook Comments