MENOR DE EDAD NA NABUBUNTIS; PATULOY NA DUMARAMI

Sa patuloy na pagdami ng kaso ng mga kabataang nabubuntis ngayong 2022, isa sa nakikitang pangunahing dahilan ng mga eksperto ay ang exposure sa social media.

Ayon sa naging panayam ng 98.5 IFM Cauayan kay Doc. Lorelei Faith Banigued, Medical Officer 3 ng City District Hospital, ang patuloy na pagsirit ng bilang ng mga menor de edad na maagang nagiging magulang ay mas mataas ngayong taon kumpara sa nakaraang census.

Ayon pa kay Doc. Banigued, nasa edad 14-taong gulang ang kanilang pinaka batang pinaanak.

Ilan sa nakikitang dahilan ng ilang health workers sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga nabubuntis ng maaga ay dahil sa pandemya.

Malaki rin umano ang impak ng internet o social media sa mga kabataan.

Kaugnay nito, patuloy na pinapaalalahanan ni Doc. Banigued ang mga kabataan maging ang mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak at gabayan ang mga ito.

Ayon sa mga eksperto at grupo na nakatutok sa isyu ng populasyon, karamihan ng nabubuntis ngayon o nagkakaasawa ay dahil sa kakulangan ng edukasyon na makukuha sa paaralan, gayundin sa kanilang komunidad.

Facebook Comments