Menor de edad, patay matapos mahulog sa St. Paul’s Cathedral

Pansamantalang isinara ang St.Paul Cathedral sa London.

 

Kasunod ito ng pagkamatay ng isang menor de edad na lalaki matapos na mahulog sa loob ng whispering gallery ng simbahan na may taas na 30 metro o 98 talampakan.

 

Nangyari ang aksidente habang nag-eensayo ang choir sa loob ng Cathedral.


 

Hindi naman itinuturing na suspicious ng London City Police ang pagkahulog ng binata.

 

Samantala, taong 2017 nang mamatay din sa kaparehong gusali ang 23-years old medical student at talented figure skater na si Lidia Dragescu.

Facebook Comments