Menor de Edad sa Jones Isabela, Nahulihan ng Baril!

Jones, Isabela – Nahulihan ng baril ang isang menor de edad matapos na magresponde ng kaguluhan ang mga otoridad kagabi sa Brgy. Abulan, Jones, Isabela.

Ayon kay Police Inspector Virgilio Valliangca, Deputy Chief of Police ng Jones Police Station na ang suspek ay itago na lamang sa pangalang John, labing anim na taong gulang, grade 11 at residsente ng Brgy. Dicamay 2, Jones, Isabela.

Aniya, dumalo umano ng lamay ang nasabing binatilyo malapit sa kanilang bahay kung saan ay nagkaroon ng kaguluhan at sa galit umano ni John ay umuwi sa kanilang bahay at kinuha ang baril ng kanyang ama na nakalagay sa isang sling bag at bumalik sa lugar.


Sa isinagawang pagresponde at pagsiyasat ng mga pulis at mga opisyal ng barangay ay nakuha kay John ang caliber 45, dalawang magazines at pitong bala ng nasabing baril.

Dinala kaagad sa PNP Jones ang suspek at inimbitahan rin ang ama ng binatilyo upang imbestigahan hinggil sa baril kung saan ay may dokumento naman ngunit paso na ito.

Nakatakda namang ilapit sa DSWD ng Jones ang suspek dahil sa ito ay wala pa sa hustong gulang.

Facebook Comments