Tatlong Tulak ng Marijuana na Nanlaban sa Isang Pulis sa Santiago City, Isa-Patay!

Santiago City, Isabela – Patay ang isa sa tatlong tulak ng marijuana makaraang lumaban sa isang pulis na nagpatrolya kaninang madaling araw sa National Highway ng Brgy. Batal, Santiago City.

Sa ibinahaging impormasyon ng Santiago Police Station 1, habang nagpapatrolya umano si PO2 Christian Espiritu gamit ang kanyang motorsiklo ay nakasalubong nito ang tatlong kalalakihan na may kakaibang galaw sa lugar.

Sinikap umano ni PO2 Espiritu na siyasatin ang tatlong suspek ngunit biglang tinutukan ng baril ang pulis ngunit nagawa namang agawin ang baril na inundayan naman ng suntok ng isa pa sa mga suspek ang biktima.


Dahil dito ay binaril na ni Espiritu ang mga suspek at natamaan ang isa sa mga ito at tumakas naman ang dalawa gamit ang motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang naturang pulis at dinala agad sa isang pagamutan.

Sa pagresponde ng SOCO team sa lugar ng pinangyarihan ay natagpuan ang isang baril at isang pakete ng marijuana.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa mabatid ng otoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing suspek.

Facebook Comments