Menor de edad sa Pangasinan sugatan matapos masaksak ng hindi pa nakikilalang suspek

Sugatan ang isang menor de edad makaraang saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Calle Garcia, Brgy Poblacion Urdaneta City.
Kinilala ang biktima na si Denver Calimlim y Sandoval, labing anim na taong gulang.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya na kasama ng biktima ang kanyang kaibigan na si Jomar Herminigildo y Oliveros, dise siyete anyos.
Pauwi na umano ang dalawa ng bigla na lamang saksakin si Calimlim ng isang hindi pa nakikilalang mga suspek na agad tumakas sakay ng isang motorsiklo matapos maisagawa ang insedente dala ang patalim na kanilang ginamit.
Nagtamo ang biktima na sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang tigiliran.
Agad dinala ang biktima sa ospital.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanla

Facebook Comments