Mental Health Act, pinapa-amyendahan ni Rep. Vargas

Kasabay ng paggunita ng National Mental Health Week ay isinulong ni Quezon City Representative Patrick Michael Vargas ang pag-amyenda sa RA 11036 o Mental Health Act.

Layunin ng panukala ni Vargas na magamit ang compensation benefits para sa mga manggagawa na mangangailangan ng mental health services.

Sa panukala ay tinukoy ni Vargas na ang report ng Department of Health (DOH) noong 2021 kung saan tinatayang 3.6 million Filipinos ang nakararanas ng mental health noong kasagsagan ng pandemic.


1.14 million dito ay nakararanas ng depression, 847,000 ay nakararanas ng alcohol-use disorders at 520,000 ang may bipolar disorders.

Iniuutos ng panukala ni Vargas na dapat agad maibigay ang compensation benefits at iba pang special financial assistance kapag ang manggagawa ay nagkaroon ng “temporary or permanent mental disability” habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin.

Facebook Comments